ANG adaptasyon at inobasyon ang tanging paraan upang manatiling buhay ang matinding tinamaang industriya ng turismo sa kasalukuyang sitwasyong dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang kolektibong pananaw ng mga tanyag na motivational speakers at business experts na sina Josiah Go at Francis Kong sa ginanap na Leadership Excellence Series (LES) 2020 na inorganisa ng Department of Tourism - National Capital Region (DOT-NCR) office, kamakailan.
Kapag pinayagan na ang mga aktibidad, kailangang handa ang mga kumpanya na lumikha ng “compelling offers” upang makaakit ng mga kliyente, ayon kay Go, chairman at chief innovation strategist ng Mansmith and Fielders, Inc.
Aniya, kailangan magkaroon sila ng isang “relaunch mindset” sa paglikha ng mga offers, tulad ng paglulunsad ng mga bagong tour attraction na kasabay ng mega sale events sa airfares, hotels, malls, at mga restaurants.
Pansamantala, ani Go, kailangang makaisip ang mga kumpanya ng malikhaing paraan upang makaakit ng merkado tulad ng ginagawa ng isang Japanese rental firm Kasoku Apartments, sa pagpo-promote nito ng mga ‘space’ para sa mga nais umiwas sa “coronavirus divorce” o para sa nais makahinga mula sa pagkakulong sa bahay.
Nabanggit din niya ang halimbawa ng budget Fab Hotels sa India, na binago ang mga silid bilang alternatibong working areas, na target ang mga employer sa halip na turista.
Sa pagbibigay diin na malalampasan din natin ang pandemyang ito, sinabi ni Go na hindi pinakamainam na opsiyon ang pagsasara.
Sa halip, pinayuhan niya ang mga lider sa industriya na humanap ng mga katuwang na makatutulong upang mapanatili at buhayin muli ang kanilang negosyo habang patuloy na nakaaapekto ang krisis sa ekonomiya.
“If you close the business, you have no value. If you sell the business, you have value. But if you revive the business, it has even greater value. If you want to turn around, you can but you might have to find new partners. Don’t close,” ani Go.
Biniyang-diin din ni Kong, presidente ng Success Options, Inc. at direktor ng Inspire Leadership Consultancy, na kailangang lumipat ng mga kumpanya sa digital marketing sa pagpasok ng mundo sa tinatawag na “contactless economy,” na mas naging malinaw dahil sa nagaganap na krisis.
“When COVID-19 broke, you have to understand that whatever it is that we were doing until now, these are not innovation. Innovation will come later. We are merely adapting and adapting is not yet done. We are still doing that,” aniya.
Samantala, sang-ayon naman si DOT-NCR Director Woodrow Maquiling na pansamantala lamang ang krisis at ang “COVID-19 is not a dead-end but a detour.”
“These challenging times in tourism require us nothing short to be imaginative, bold, and brave in pursuing the next direction for our country’s tourism,” ani Maquiling.
Sa paulit-ulit nang napatunayan ng turismo sa bansa ang katatagan nito at abilidad na hindi lamang makaahon bilang isang sektor ngunit manguna para sa pagbangon ng ekonomiya at lipunan.
“Our recovery work may seem an uphill battle. However, we should start somewhere if we ought to go somewhere,” ani Maquiling.
Nakibahagi rin sa virtual forum si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na sinabing ang LES 2020 ay isa lamang sa online learning sessions na inorganisa ng DOT upang higit pang mapalakas ang kapasidad ng turismo sa gitna ng pandemya.
Sa nakalipas na mga buwan, nagsagawa ang ahensiya ng mga webinars na nakatuon sa inobasyon, pagnenegosyo, kultura at heritage, sanitasyon at hygiene, e-commerce at iba pa.
“We are entering a new world, one that demands a different approach to business as usual if we hope to revive our tourism industry in a safe and sustainable manner. Together we will recover as one,” anito.
Libu-libong negosyo ang apektado ng COVID-19 sa buong mundo, partikular ang nasa industriya ng turismo, na natigil dahil sa pagsasara ng mga border, airline groundings, at mahigpit na quarantine measures.
PNA