IBINAHAGI ni Maja Salvador ang hirap na kanyang naranasan bago pa siya makilala bilang artista. Sa kanyang guesting ng aktres sa I Feel U, ibinahagi niya sa host na si Toni Gonzaga kung paano siya naging bread winner sa murang edad.

maja

“Siyempre sa experiences sa life. Bata ka palang nakikita mo na lahat ng nangyayari sa family mo. Alam mo ‘yung palipat-lipat ako ng bahay. Siyempre ‘yung mommy ko nagtatrabaho abroad, ako palipat lipat ng bahay sa mga kapatid niya para alagaan ako.”

“Doon pa lang nagsimula akong mangarap, hindi lang para sa akin, kundi para sa pamilya ko.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ang magkaroon kami ng sariling bahay, kasi wala kaming bahay, nakikitira kami. ‘Di ba sa probinsya ako lumaki, noong umuwi na ang mama ko dito sa Pilipinas, nag-decide siya na kunin na ako sa mga kapatid niya at sa Manila na kami(tumira),” pagbabahagi pa ni Maja.

“Noong nasa Manila naman kami, nakitira naman kami sa mga pinsan niya, alam mo ‘yun yung walang permanent, wala kaming sariling bahay,” dagdag pa ni Maja.

“Siguro na sacrifice ko ang school. Kasi kahit gaano ko gusto mag-aral, tinanggap ko nalang na hindi, dito muna ako (magtrabaho). Alam mo ‘yung first time mo lang nagkaroon ng pera talaga. Kasi ‘yung pera naman namin dati allowance lang talaga,” saad niya.

Natigil mang mag-aral, malaking biyaya naman ang nakamtan ni Maja mula sa kanyang mga kapatid na tinulungan niyang makapagtapos ng pag-aaral.

“Yung para kang naging nanay ng maaga, ‘yung ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos sa pag-aaral ‘yung kapatid mo, may kaniya-kanya na silang trabaho. Hindi man ako makapag-tapos ng pag-aaral, pero nai-share ko ang lahat ng pagod at paghihirap ko, nagbunga ng maganda sa mga kapatid ko.”

-Ador V. Saluta