Nangako ang House of Representatives na tatalakayin ang panukalang batas na bubuhay sa death penalty para sa drug-related crimes, at aprubahan ang mahabang listahan ng mga prayoridad na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang binanggit sa ikalima nitong State-of-the-Nation Address.
Ipinahayag ni House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez nitong Martes ang kahandaan ng Mababang Kapulungan “to take on the challenge” matapos hilingin ni Duterte sa Kongreso na ipasa ang ilang mga panukala, kabilang ang panukalang magbabalik sa death penalty gamit ang lethal injection para sa drug-related offenses; at mga panukalang lumililkha ng Department of Filipinos Overseas (DFO), at ng Department of Disaster and Resilience (DDR).
“We, in the House of Representatives, are committed to deliver to the President the measures needed to support his vision for the nation in the years to come,” sinabi ni Romualdez sa isang pahayag, at tiniyak ang mabusising pagtalakay sa death penalty measures.
Sinabi ni Romualdez na gaya ng iniutos ni Speaker Alan Peter Cayetano, siya ay “will be working closely” kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para talakayin at pagsama-samahin ang mga prayoridad sa huling SONA ng Punong Ehekutibo ng Chief Executive at ang mga inilatag outline sa kanyang 2019 SONA.
“Of course this will be done without sacrificing the quality of debates and discussions in both the committee and plenary levels,” paniniyak ni Romualdez.
Sinabi ng lider ng Kamara na ipaprayoridad ng 301 miyembro ng Mababang Kapulungan ang approval ng pagpasa ng 2021 national budget atbcoronavirus disease-19 (COVID-19) roadmap for recovery.
-Charissa M. Luci-Atienza