Obligado sa coronavirus 2019 ( COVID-19) test ang lahat ng informal sector workers sa Navotas City.

Sa Executive Order No. TMT-040, series of 2020 ni Mayor Toby Tiangco, inoobliga ang lahat ng informal workers na sumailalim sa swab test bago makapasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Layon ng libreng swab test na matukoy kung sinu-sino ang positive sa virus, upang ma-isolate ito at madala sa mga quarantine facilities at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

-Orly L. Barcala
Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday