HINDI maiiwan ang mga mag-aaral sa liblib na komunidad sa bayan ng Porac, Pampanga sa pag-aaral sa kabila ng mga balakid na dala ng nagpapatuloy na coronavirus pandemic (COVID-19).

Dahil sa patuloy na krisis pangkalusugang dala ng COVID-19, nahaharap sa maraming pagsubok ang mga paaralan sa bansa sa pagpasok sa remote learning, kaya naman ang mga guro ng Villa Maria Integrated School, isang paaralan kung saan karamihan ng mga mag-aaral ay mula sa komunidad ng mga Aeta, ng inobatibong programa upang madala ang edukasyon mas malapit sa mga estudyante.

Tinawag na “Sulong Dunong sa Kolong-Kolong para sa Edukasyon,” layunin ng programa na maihatid ang mga learning modalities sa komunidad nang hindi nangangailangan ng internet connection at iba pang digital na kagamitan.

Sa isang online interview nitong Biyernes, ibinahagi ni Marizen Tolentino, school principal ng Villa Maria Integrated School, na ang programa ang pinakamainam na modular learning method para sa malayong komunidad ng mga Aeta.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Since hindi pwede ang online learning dahil sa kakulangan ng signal and internet connections, at walang gadgets ang mga mag-aaral. Hindi rin pwede ang television at radio, the most applicable ay ang learning modules na ipamimigay sa mga bata,” pahayag ni Tolentino.

Aniya, sa tulong ng mga lokal na opisyal at mga magulang ng mga estudyante, naisip nila ang programa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na darating na pasukan.

“Ilalapit namin ang edukasyon sa aming mag-aaral na hindi kailangan ang face-to-face classes,”anito.

Makatutulong ang programa sa hindi pa tiyak na bilang ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6 gamit ang improvised motorized trike, na tinatawag ng mga Aetas na “kolong-kolong”.

Bukod sa mga learning materials, mayroon din telebisyon ang motorized trike kung saan naka-record ang mga instructional videos para sa mga mag-aaral.

Sa ilalim ng konsepto, dadalhin ng mga guro katuwang ang mga volunteers, ang programa sa komunidad kung saan ipamamahagi ang mga learning materials sa mga mag-aaral nang may pagsunod sa mga health safety protocols.

Iuuwi ng mga mag-aaral ang mga learning materials na kanilang pag-aaralan at sasagutan. Babalik ang mga guro sa lugar upang kunin at mai-check ang mga ibinigay na takdang-aralin sa loob ng isang linggo nang ipamahagi ang mga kagamitan.

“No one should be left behind in spite of this health crisis. Basta tulong tulong at sama sama at mayroon tayo na isang objective o magandang plano sa bawat mag-aaral, walang challenge na hindi natin malalampasan. Sana magtagumpay ang aming program ito,” giit ni Tolentino.

Nagpahayag naman ng buong suporta sa programa si Rogelio Valencia, barangay chairman ng Villa Aurora, upang masiguro ang edukasyon para sa mga mag-aaral na Aeta sa kabila ng pandemya.

“We, the local officials of Villa Maria, are working hand-in-hand with the teachers in providing innovative programs that could help our students to have education for their future,”aniya.

PNA