SINO kaya ang consultant o tagapayo ni Aljur Abrenica sa sagot niya sa media na, “it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight pero pro-franchise po ako.”

aljur

Tinanong kasi ang aktor kung bakit tila hindi man lang siya nakitaan ng pagsuporta sa ABS-CBN na mother network na niya sa loob nang tatlong taon.

Since day 1 na dinidinig sa Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN ay walang narinig mula kay Aljur na suportado niya ang network.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kami mismo ang bumisita sa kanyang Instagram na baka may post siyang logo ng ABS-CBN o kung anuman, pero wala talaga.

Wala bang pakialam ang aktor sa nangyayari sa network na binigyan siya ng trabaho sa loob ng tatlong taon? Bale ba bago mag-lockdown ay katatapos lang umere ng teleserye niyang Sandugo kasama sina Ejay Falcon, Vina Morales, Elisse Joson, Jessy Mendiola, Gardo Versoza at Ariel Rivera.

Bukod sa Sandugo ay nagbida rin si Aljur sa Asintado kasama si Julia Montes, lumabas din siya sa Ipaglaban Mo, Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at iWant.

Tapos ang isasagot niya sa tanong kung bakit wala siyang suporta ay, “it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight?”

Kaya ang ending basag na basag si Aljur sa netizens lalo na sa mga empleyado ng ABS-CBN at iisa ang sinabi, ‘insensitive!”

Sabi pa ng ABS-CBN TV executive na hindi kasama sa natanggal sa trabaho, “we will never forget you Aljur!”

So alam na!

-Reggee Bonoan