Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang professional boxing na magsimula nang mag-training na may kalakip na ilang mga kondisyon.

Gaya ng professional basketball at ng football na ilan sa mga pinayagan ng IATF na magsimulang magtraining siniguro nito na papayagan ang boxing basta susunod sa ilang mga alituntunin gaya ng unang dalawang pro sports.

Ayon sa report, mismong si Games and Amusement Board (GAB) chairman Baham Mitra ang siyang nagpahayag ng nasabing magandang balita para sa mga pro boxers basta sisigurhin na sila ay magkakaroon ng testing bago sumabk sa laban.

sapilitan umanong ipapatupad ang COVID-19 testing para sa mga boxers at mga referees at iba pang indibidwal na magiging bahagi ng laban.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Sinabi Rin ni Mitra na kasalukuyang inaasikaso nila ang tinatawag na Joint Administrative Order (JAO) para sa boxing habang hinintay na lamang ang lagda ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez bago naman ipalabas ngayong linggo ang opisyal na papel na ipapadala para sa health protocols.

Ang pinagsamang puwersa ng Department of Health (DoH), Philippine Sports Commission (PSC) at GAB ang bumubuo ng mga regulasyon at mga patakaran sa nasabing JAO.

Sa oras na matanggap ng PBA at PFF ang nasabing liham ng mga kinauukulan obligado ang mga manlalaro at mga coaches na dumaan sa swab testing, at kung negatibo ang maging rsulta ay saka pa lamang papayagan na magsagawa ng team practice.

Inaasahan na hindi lalampas ang linggong ito at maipapadala na sa PBA at PFF ang nasabing liham na kailangan nilang matugunan sa lalong madaling panahon.

-Annie Abad