Unti- unti at sisikapin ng bagong saltang Pro Boxer na si Eumir Felix Marcial na makapagbigay ng magandang laban sa kanyang boxing career.

Ngunit bago ang lahat ay ang paghahanda muna para sa kanyang Olympic stint ang siyang pagtuunan ng pansin ngayon ng 24-anyos na si Marcial.

“Pangarap po kasi ng tatay ko na makapasok ako sa Olympics, ngayon po na nakapasok na ko sisisikapin ko naman po na manalo,” pahayag ni Marcial sa isang panayam sa kanya kamakailan.

Ayon pa sa kanya na malayo pa ang kanyang tthakin sa pagboboksing gayung magsisimula pa lamang siya at tanging ang pangarap niyang Olympic gold ang target niya ngayon na makamit.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Too far ahead. I’m just starting out. I still have to fight the best in the Olympics, the Russian who beat me, the Ukrainian, the boxer from Kazakhstan and Cuba,” aniya.

Ito rin ang siniguro ng kanyang mga bagong

handlers na MP Promotions sa pangunguna ng pinuno nito na si Sean Gibbons.

Lumagda ng anim na taon na kontrata ang si Marcial noong isang linggo sa promotion na pag-aari ni Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao.

Ayon kay Gibbons tatlong laban ang inaasahan nilang sasabakan ni Marcial bagonang Olimpiyada.

“We hope to have three fights before the Olympics,” ani Gibbons.

-Annie Abad