Dismayado ang 2021 Tokyo Olympic- bound boxer na si Irish Magno matapos na dalawang ulit na makansela ang kanyang nakatakda sanang flight patungo sa Iloilo upang makapiling ang pamilya.

Ayon sa nag-iisang female Olympic qualifier ng Pilipinas, dalawang ulit nang nakansela ang kanyang flight kung saan nitong huli ay inabisuhan siya maaring sa Agosto 3 pa siya makalipad pauwi sa kanyang bayan.

Hindi na rin maitatago ang kalungkutan ni Magno na umasang makakasama ang kanyang mga magulang na nagdiriwang ng kanyang ika- 29 anyos na kaarawan.

“Siyempre ma’am malungkot po sila. Pero wala naman po akong magawa,” pahayag ni Magno sa panayam ng Balita.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Aniya, ang Philippine Sports Commission (PSC) mismo ang tumulong sa kanya at sa iba pang mga atketa na makakuha ng tiket upang pansamantalang makauwi muna sa kani-kanilang mga tahanan.

“PSC po ang tumong sa amin. Lahat po ng mga atleta pinapauwi po muna nila. Sila din po kumuha ng mga tickets namin.Kaso nga lang po ilang beses na na cancel,” ani Magno.

Kasalukuyan siyang nakahimpil sa Philsports Complex kasama ang ilang na-stranded na atleta buhat pa nang magsimula ang lockdown noong Marso.

Bagama’t si Magno ay galing sa Baguio kung saan siya naninirahan bago siya pinapunta sa Manila upang makuwi sana sa pamilya.

Gayunman, kahit naka lockdown ay patuloy ang training at pagpapakondisyon ni Magno bago sumabak sa matinding training bago ang Olympics.

“Simula po noong dumating ka.i dito sa Ultra tuluy tuloy po ang training namin kasama si coach Galido at iba pong mga boxers. Tumatakbo po kami, shadow boxing. Ganun po para di po mawala sa kondisyon,” kuwento pa ni Magno.

Sa ngayon ay muli siyang magsasanay habang naghihintay ng panibagong araw ng flight upang makauwi sa kanyang mga magulang sa Iloilo.

-Annie Abad