Ilang tanggapan sa Mandaluyong City Hall ang isasara ng isang linggo para bigyang-daan ang pag-disinfect sa gitna nang nananatiling banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang paabiso sa kanilang Facebook account, sinabi ng Mandaluyong City Government na sisimulan ang temporary closure ng Legislative Department ng City Hall, kabilang ang Secretariat’s Office, simula ngayong Lunes, Hulyo 27.

Pinayuhan rin ng lokal na pamahalaan ang mga residente na kung mayroon silang concern ay ipadala na lamang ito sa kanilang email address na [email protected].

Maaari pa rin naman umano silang maghatid ng kanilang liham o dokumento para sa vice mayor, councilors at secretariat sa security personnel na matatagpuan sa ikatlong palapag ng city hall.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

“PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT, pansamantalang SARADO ng isang linggo simula 27 Hulyo (Lunes) ang mga tanggapan ng ating LEGISLATIVE DEPARTMENT, kasama ang SECRETARIAT’S Office, sa BOC Building upang magsagawa ng REGULAR DISINFECTION. Salamat po sa inyong pang-unawa,” paabiso ng Mandaluyong LGU.

“Maaari po muna ninyong i-email ang inyong concern sa [email protected] o kaya ay ipa-receive ang inyong dokumento/sulat sa guard na nakatalaga sa 3rd Floor kung ang concern ay para sa ating Vice Mayor, mga Konsehal at sa Secretariat Office. Salamat po.” anito pa.

Sa datos, nabatid na hanggang 4:00PM ng Hulyo 25, 2020, ang Mandaluyong City ay nakapagtala na ng 1,424 COVID-19 infections at 509 sa mga ito ang aktibo pang kaso.

-Mary Ann Santiago