SA gitna ng pananalasa ng coronavirus 2019 (COVID-19), sumabog ang mga balita na siyam na high-profile o kilalang preso sa New Bilibid Prisons (NBP) ang umanoāy namatay dahil sa sakit na ito na hanggang ngayon ay wala pang bakunang natutuklasan.
Umagaw ng espasyo sa mga pahayagan at sumambulat sa radyo at TV ang ulat na kabilang sa diumano ay binawian ng buhay dahil sa COVID-19, ay si Jaybee Sebastian na nag-akusa kay Sen. Leila de Lima na nagpapalikom umano ng pondo o milyun-milyong salapi mula sa mga drug dealer sa NBP para sa kanyang kampanya bilang senador.
Bukod kay Sebastian, ang walong iba pa ay sangkot umano sa illegal drug trade sa loob ng bilangguan. Dahil dito, kumilos ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang kanilang pagkamatay. May 24 iba pang bilanggo ang umanoāy namatay rin sa COVID-19. Hindi kaya kasama rito si ex-Mayor Sarmenta ng Laguna?
Sinabi ni DOJ Sec. Menardo Guevarra na simula ng 2020, dalawang preso ang namamatay araw-araw sa ibaāt ibang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong bansa. Dahil dito, umabot sa 476 ang namatay hanggang nitong Hulyo 19.
May mga nagtatanong kung bakit hindi agad nai-report o nalaman ng publiko na sa loob pala ng NBP ay namiminsala na rin ang COVID-19, at pambihirang tinamaan din ang mga high-profile inmates na sangkot sa iligal na kalakalan ng droga sa loob.
Batay sa ulat, sa 476 na namatay, 21 ang pumanaw sanhi ng COVID-19--tatlo mula sa Correctional Institute for Women (CIW)-- at ang 18 iba pa ay mula sa NBP sa Muntinlupa. Sa 21 preso na kung tawagin ay āpersons deprived of libertyā o PDL, siyam sa kanila ang sangkot sa illegal drug trade, tulad ni Sebastian.
Nagkaduda tuloy ang mga Pinoy na baka ang sinasabing siyam na high-profile inmates na drug lords ay kusang pinalaya lang at sinabing namatay sa COVID-19. Gayunman, nagprisinta ng mga dokumento ang NBP na talagang sa sakit na COVID namatay ang mga ito.
Inaasahang magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Kongreso tungkol dito. Samantala, si De Lima na isinangkot sa iligal na kalakalan ng droga, ay nananatiling nakakulong sa Camp Crame. Sana ay ligtas siya sa COVID-19. Mahigpit siyang kritiko ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD).
Sa isang istorya o news sa BALITA noong Biyernes, ganito ang nakalagay: āBuCor chief, hiniling sibakin.ā Para kina Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue ribbon committee, at Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat alisin sa puwesto si NBP director general Gerald Bantag dahil sa hindi niya pagrereport agad sa pagkamatay ng high-profile inmates sa loob ng NBP.
Iginiit naman ni Bantag na batay sa Data Privacy Act, hindi puwedeng iulat ang pagkamatay ng mga preso. Kinontra siya rito nina Gordon at Drilon. Ayon kay Gordon, pinagtatawanan na ng mundo ang Pilipinas dahil sa mga fake news, heto naman ngayon ang pekeng kamatayan. Handa naman si Bantag na umalis kapag wala nang tiwala ang publiko at ang Pangulo sa kanya.
May mga netizen ngang nagsasabing ang isa raw death certificate ay nagkakahalaga ng P5 milyon. Sabi naman ng iba, kayang-kayang bayaran ito ng drug lords sa dami ng kanilang pera mula sa shabu at iba pang illegal drugs.
Inaasahang kikilos dito si PRRD dahil galit na galit siya sa illegal drugs. Inaasahang may gugulong na ulo sa eskandalong ito. Kailangang magpakita ng matitibay na ebidensiya ang NBP na talagang sa COVID-19 nga namatay si Jaybee Sebastian at iba pang drug lords, at hindi nabayaran ang death certificates na gawa sa Recto University !
-Bert de Guzman