SA pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, ipinaalam ni Kapuso actor-comedian Michael V a.k.a. Bitoy, noong July 20 na nagpositibo siya sa COVID-19. Ginawa na ni Bitoy ang dapat gawin sa tulad niyang naging positive sa karamdaman. Sabi pa ni Bitoy, naramdaman pa lamang niya ang ilang symptoms ng sakit, nag-self-quarantine na siya, humiwalay na agad siya sa members ng pamilya niya, para hindi sila mahawahan. Nagpa-test siya at nalamang positive talaga siya sa COVID-19.

Bumuhos ang dasal ng mga netizens para kay Bitoy, at isa sa nagpaabot ng dasal at suporta si comedian-host Willie Revillame, sa kanyang programang ‘Tutok To Win’ ng “Wowowin.”

“Gusto ko lamang i-get well soon at dasal na maka-recover kaagad ang kaibigan nating si Michael V. Alam ko may pinagdadaanan ka ngayon. Alay namin sa ‘yo ang aming dasal na maka-recover ka agad.

Hanga ako sa ‘yo dahil sinabi mo yan. Lalung-lalo na sinabi mo sa Facebook mo na ‘yun nga, naging positive ka sa COVID-19 at hindi natin alam kung bakit at kung paano mo nakuha ang sakit. Ganun talaga katindi ang COVID-19 na walang pinipili ‘yan, even ’yung president ng ibang bansa, even yung kung sino mang nanunungkulan.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ipinagpapasalamat naman ni Bitoy na negative lahat ang family at household niya at siya naman ay nagpapagaling na. Idinaing lamang ni Bitoy na ang hirap daw na hindi man lamang niya mayakap at malapitan ang mga anak at asawa niyang si Carol. Nagpasalamat si Bitoy sa Diyos, sa mga kasamahan at sa mga netizens na nagdasal para sa kanyang paggaling.

-NORA V. CALDERON