ITO ang sigaw ng madlang pipol… “Vote Vilma Santos-Recto for 2022 PH president”… lalo na ng mga pamilya ng mga Kapamilya workers na nawalan ng trabaho dahil hindi na binigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN ng 70 kongresista na bumoto ng “no”. Kabilang sa 11 na bumoto ng “yes” para sa bagong ABS-CBN franchise ang Star For All Season na si Vilma Santos now Congresswoman of Batangas.

vilma

Ang isa sa katuwiran ni Cong.Vilma Santos-Recto ay ayaw niyang maging heartless sa kanyang kapwa tao lalo na sa 11,000 employees ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho kabilang na rin dito ang showbiz media na umaasa lang sa pa-preskons, showbiz events, pocket preskons at press set visits ng ABS-CBN.

Nilinaw din niya na hindi dahil sa Kapamilya network nagwo-work ang anak niyang si Luis Manzano.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

May sariling buhay na raw si Luis at may sariling business at kaya na nitong mamuhay. Kaya lang ay hindi daw nito keri mamuhay para sa sarili lamang kundi para rin sa mga katrabaho, kasamahan niya sa ABS-CBN na apektado sa pagkaka-tokhang sa ere ng Kapamilya network. Pati ang ikinabubuhay ng mahigit 11,000 empleyado ng nasabing network ay tipong na-tokhang rin na ang masaklap ay nataon pa sa pandemic ng coronavirus.

Well, wala namang masama kung babae uli ang magiging Presidente ng Pilipinas sa taong 2022.

At kung si Vilma Santos-Recto na nga ang iginuhit ng tadhana para pumalit kay now PH President Rodrigo Roa Duterte ala, eh..yan ang talagang wow na wow in pernes!

Dahil bihasa at hasang-hasa na sa pulitika at pamamalakad ng kanyang constituents sa Batangas ang isang Vilma Santos-Recto, sa true lang.

-MERCY LEJARDE