Nagpatupad ang Social Security System (SSS) ng number coding system at modified service procedures sa paghawak ng mga transaksyon sa 61 sangay nito sa buong bansa.

Nilagdaan ni SSS President at CEO Aurora Ignacio nitong linggo ang Circular No. 2020-017 na nililimitahan ang bilang walk-in transactions sa mga sangay sa layuning ayusin ang bilang ng mga taong nakikipag-transaksyon sa mga sangay ng SSS sa gitna ng pandemya.

Itinalaga ng circular ang lingguhang iskedyul kung saan maaaring gawin ng mga miyembro at employer (ERa) ang kanilang mga transaksyon sa SSS na batay sa huling numero ng kanilang Social Security (SS) o mga numero ng ER ID.

“SSS advised members and employers to conduct their transactions on the prescribed schedule, as follows: Mondays for SS or ER ID number ending in 1 or 2; Tuesdays for those ending in 3 or 4; Wednesdays for those ending in 5 or 6; Thursdays for those ending in 7 or 8; and Fridays for those ending in 9 or 0,” nakasaad sa circular.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

Para sa mga transaksyon tulad ng funeral at death claims, gagamitin ang SS number ng namatay na miyembro bilang basegan ng number coding schedule.

Ang bagong procedure ay ipatutupad ng SSS sa lahat 51 sangay sa National Capital Region, gayundin sa mga sangay sa Baguio, Dagupan, Bacoor, Biñan, Cebu, Lapu-Lapu, Bacolod, Iloilo-Central, Cagayan De Oro, at Davao.

Ayon kay Ignacio, ang walk-in transactions sa mga sangay na ito ay limitado sa pagbabayad ng mga kontribusyon at utang, compliance sa SS Number Application sa pamamagitan ng SSS web, pick-up ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card, presentation ng original documents para supprtahan ang claim applications, at “other justifiable reasons.”

-Alexandria Dennise San Juan