Inaasahang susulong sa world ranking si dating national team campaigner James de los Santos para sa virtual kata nang masungkit nito ang silver medal sa katatapos na Adidas Karate World Open Series E-Tournament 2020, nitong Miyerkules.
Nakuha sana ng 30-anyos na si de loos Santos ang gintong medalya laban kay Eduardo Garcia ng Portugal ngunit nagkaroon ng aberya sa scoring system hanggang sa i-award sa kanya ang silver medal.
“How the tournament concluded is questionable;I don’t know why it happened,” pahayag ni de los Santos sa Balita.
“But what I can do is keep going and there will be more tournaments to come.”
“This is also a big improvement for me. Frombeing a quarterfinalist in the first edition to a silver medalist (temporary gold) is a feat. I will still continue training, and hopefully find moretournaments to compete in. It’s not over yet,” aniya.
Matapos tumapos sa Round 32, tinalo ng nasabing two-time Southeast Asian (SEA) Games bronze medalist si Murilo Alvez ng Brazil sa Round 16, at inilampaso rin nito si Nejc Sternisa ng Slovenia sa thequarterfinals.
Naabot ni de los Santos ang final round kasunod ng semifinal victory nito laban kay Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa, gayunman, matapos ang controversial scoring ng isa sa mga reperi, natalo siya ni Garcia sa finals.
Gayunman, siya pa rin ang nakakuha ng ika-5 puwesto sa 11 online tournaments, kung saan kabilang ang gold medals sa Palestine International Karate Cup nitong nakaraang Abril at ang Korokotta Cup nitong nakalipas na Hunyo.
“I’ve competed so far in 11 tournaments in aspan of four months – and brought home five medals so far. On the bright side,I made a big improvement in the Adidas tourney. In the first edition of the Adidas KarateWorld Open Series, I only reached quarterfinals. But in this second edition, Ihad the gold for a moment… then ended with silver. I don’t know why this happened,” ayon pa sa kanya.
-Waylon Galvez