Isang signature campaign na naglalayong makakuha ang ABS-CBN ng isang bagong prangkisa ang inilunsad nitong Biyernes.
“There was definitely no legal justification that deserved the death sentence of ABS-CBN, its thousands of workers, and their families,” deklara ng grupong People’s Initiative for Reforms and Movement for Action o PIRMA Kapamilya, sa isang pahayag.
Sa paglulunsad ng kampanga ng lagda, pinapagalawa ng PIRMA ang Section 32, Article VI na may kaugnayan sa Section 1, Article VI ng 1987 Constitution.
Sinabi ng PIRMA na layunin nitong makakalap ng “7 million signatures nationwide in order to grant ABS-CBN a ‘people’s franchise’ and allow it ‘to operate and maintain, for commercial purposes and in the public interest, radio and/or television broadcasting stations in the Philippines, including a digital television system’.”
Upang maging matagumpay, ang inisyatibo ng mamamayan ay nangangailangan ng mga pirma ng hindi bababa sa 3% ng mga rehistradong botante sa bawat distrito ng pambatasan at hindi bababa sa 10% ng kabuuang rehistradong botante sa bansa.
“After these have been duly validated by COMELEC, a plebiscite shall be called which will need a majority of votes cast to approve the proposed bill,” dagdag ng PIRMA.
Samantala, natapos na ni PIRMA convenor Atty. Dino De Leon at ng isang grupo ng mga abogado ang draft ng ipinanukalang franchise law ng ABS-CBN na maaaring i-download ng publiko sa www.pirma.ph at ipatong ang kanilang mga lagda sa mga nakalimbag na kopya.
Pinaalalahanan ang publiko na sundin ang mga protocol sa kalusugan, tiniyak ng PIRMA na naghahanap ito ng mfa paraan upang maibigay ang print-outs na ito sa mga mahirap na maabot na lugar, tukuyin ang drop-off centers, at pakikisosyo sa mga organisasyon ng mga katutubo at pangkat ng sektor sa pangangalap ng mga lagda.
“While it acknowledges the challenges that the initiative may face, PIRMA Kapamilya remains undaunted and is buoyed by the popular public support that ABS-CBN enjoys,” sinabi ng PIRMA.
Binanggit ng grupo na ang Social Weather Station (SWS) nitong unang bahagi ng Hulyo ay nagsiwalat na mahigit 75 porsiyento ng mga Pilipino ay nais na mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN habang 56 na porsiyento ang sang-ayon na ang pagpapasara dito ay “a blow to press freedom.”
Bukod kay De Leon, ang PIRMA’s convenors ay kinabibilangan nina University of the Philippines (UP) law professor at former Presidential Managerment Staff Undersecretary Herminio “Third” Bagro III; Far Eastern University (FEU) Institute of Law professor Eirene Jhone Aguila; UP law professor at human rights advocate Mike Tiu; youth governance advocate Allan Pangilinan; at Ateneo School of Government professor of praxis and business consultant Leon Flores III, at marami pang iba.
Tiniyak ng PIRMA na hindi ito konektado sa l ABS-CBN at ito ay isang independent, non-partisan, at organic group ng volunteers.
-Jeffrey G. Damicog