GRABE ang pagmamahal ng netizens kay Angel Locsin lalo na ‘yung mga natulungan niya dahil sila na mismo ang nagpo-post ng mga nagawang tulong ng aktres.
Trending ngayon sa social media ang mga pinost na kuha ni Angel habang naghahatid ng tulong sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas tulad sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy (2009); storm surge Yolanda (2013); Marawi siege (2017); Mindanao Earthquake (2019); Taal Eruption (January 2020); COVID-19 at itong nakaraang protest rally para sa mga 11,000 empleyadong nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.
Base sa caption ng Kapamilya online “Angel Locsin we saw you in Ondoy, Yolanda, Marawi, Mindanao Earthquake, Taal Eruption, COVID 19 sa mga kapwa niya ka trabaho. Nag iisa lang siya. Maraming Salamat!Mabuhay Ka Angel Locsin! Mahal ka namin! #LabanKapamilya .”
Kulang pa ang mga na-post na larawan dahil hindi hindi lahat ay pinapayagan ni Angel na kunan siya kaya sumisimple ang iba kapag hindi siya nakatingin.
Marami kaming alam sa mga nagawang tulong ni Angel kaya sa mga nagsasabing ‘nag-iingay kasi may plano sa 2022’ nagkakamali po kayo, wala sa isipan niya ang pasukin ang politika.
Kaya kahit na anong udyok sa kanya ng mga kaibigan ay talagang umiiling siya.
-Reggee Bonoan