Umaasa si Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Jr. na isang Pangulong Rodrigo Duterte, na bilang lingkod ng bayan, ang siyang haharap sa publiko para sa idaraos na ikalimang State of the Nation Address (SONA) bukas, Lunes, Hulyo 27.

Binanggit ni Bacani, bilang lingkod ng sambayanan ay ihayag nawa ng Pangulo ang tunay na kalagayan ng bansa, lalo na ngayong panahon ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Huwag magpapakita ng dictatorial tendencies. At Harinawa, ay walang mura. Narinig ko si President Duterte noon, dinig na dinig ko sabi niya, ‘I have been humbled by this virus.’ Iyon ang gusto kong makita. Isang ‘humble president’ na nagsasalita sa kanyang bayan bilang lingkod sa mga mamamayan, at hindi parang amo ng mga mamamayan,” pahayag pa ni Bacani, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Hangad din ng obispo na mailahad ng pamahalaan ang mga programa upang tugunan ang kasalukuyang krisis at kung paano ibabangon ang bansa bilang isang bayan na nagkakaisa.

National

Atty. Jimmy Bondoc, bet ding maging ka-tandem ni VP Sara si Sen. Robin

“Mga realistic measures para sa ganoon, ay makabangon tayo muli bilang isang bayan na nagkakaisa, hindi nagkakawatak-watak, at hindi winawatak-watak ng mga namumuno,” anang Obispo.

Sa kabila nito, aminado ang Obispo na may agam-agam pa rin siya na kabilang sa magiging talumpati ng Pangulo ang pagpapatupad ng Anti-terrorism Law sa kabila ng kawalan ng implementing rules and regulations (IRR).

-Mary Ann Santiago