Hindi na kailangan na ibenta ng pamahalaan ang mga asset nito upang mapondohan ang coronavirus disease 2019 response.

Ito ang igiit ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno kasabay ng paglilinaw na nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito na ibebenta na lamang niya ang ilan sa mga government asset upang magkaroon ng pondo sa pagtugon kontra sa pandemya.

Ayon kay Diokno, taliwas sa mga nakaraang krisis na kinaharap ng Pilipinas, mayroong sapat na dollar reserve ang bansa sa ngayon na nasa $93.3-billion na posible pang pumalo ng $95-billion hanggang $97-billion sa pagtatapos ng taon at sapat na nananatiling stable ang peso-dollar exchange rate.

-Beth Camia
National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol