Aminado ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa 3.7 milyong benepisyaryo pa lamang ang nababahagian ng 2nd tranche ng kanilang Social Amelioration Program (SAP) ngayong Hulyo.

Paliwanag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa P22.7 bilyon ang kanilang pondo pero may kahirapan sa pag-verify ng mga nasa talaan na nagdudulot ng delay sa pamimigay.

Nakatakda pang mabigyan ang 17 milyong benepisyaryo ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda.

Maaalalang sumulpot ang kabi-kabilang reklamo noong unang tranche ng pamimigay, tulad na lamang ng kalituhan sa mga listahan at iba pa.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

-BETH CAMIA