Nagbukas ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) hotline nito para sa mga kawani ng tanggapan upang matiyak ang wastong implementasyon ng procedures o pamamaraan sa pagpapanatiling ligtas at malusog na trabaho sa gitna ng pandemya.
“The government is making efforts to lessen the unwanted impact of the pandemic in our economy. Being a vital part of the aviation industry, airport must keep its operations going. Our employees are essential to our operations and the best we can do is give them a safe workplace,” ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal.
Sa pagpapaangat ng kanyang mga hakbang laban sa pandemya,bumuo ang MIAA ng COVID-19 Task Force para siguruhin na ang pagtugon sa health-related services sa mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19. Ang Task Force ay nagtatag din ng ng occupational safety at health standards upang mapigilan, makontrol at mabawasan ang pagkalat ng virus.
Upang tiyakin ang agarang pagtugon, iniunsad ang Hotline 3187, isang 24/7 extension line, upang direkta ang mga katanungan at concerns ng MIAA personnel at ng kanyang service providers.
-Bella Gamotea