NAKIPAGTULUNGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Department of Health (DoH), at iba pang ahensiya ng pamahalaan, at mga pribadong sektor upang ilunsad ang kampanya na naghihikayat sa mga Pilipino na magbago at ugaliin ang “preventive behavior” upang labanan ang coronavirus pandemic.

Sa ginanap na online launching ng BIDA Solusyon sa COVID-19 Partners nitong Biyernes, ibinahagi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na inilunsad noong nakaraang taon ng ahensiya ang Disiplina Muna campaign na layong buhayin ang kultura ng pagiging disiplinado sa mga Pilipino at hikayatin ang partisipasyon ng mga mamamayan.

Ayon kay Malaya, nabuo ang kampanya sa road-clearing program ng DILG kung saan nililinis ang kalsada mula sa iba’t ibang uri ng obstruction at ipinagbawal ang prisensiya ng mga tricycle sa national highways.

“And when the DOH came out with BIDA solusyon, which is an information campaign against Covid-19 which focuses on the four aspects: B-awal walang mask, I-sanitize ang mga kamay, D-umistansya ng isang metro, A-lamin ang totoong impormasyon, we were inspired to work closely with them in this campaign,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ikinokonsidera, aniya ng ahensiya ang dalawang kampanya bilang complementary sa pagtugon sa COVID-19, na nagreresulta sa kolaborasyon na nagsusulong sa kahalagahan ng preventive health measures sa isip ng mga Pilipino bilang paraan upang malabanan ang pandemya.

Nakatakda, aniyang mamahagi ng posters at campaign materials ang ahensiya sa lahat ng mga opisina ng lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Makikita naman sa posters ang larawan ng pambansang bayani,Dr. Jose Rizal kasama ang iba pang mga bayani na nakasuot ng face masks, na makadaragdag umano ng “appeal to our sense of nationalism”.

Samantala, nagsasagawa rin ang DILG ng online training para sa lahat ng public information officers ng mga LGU hinggil sa anti-fake news campaign.

PNA