SYDNEY (AFP) - Tinanggihan ng Australia ang territorial at maritime claims ng Beijing sa South China Sea sa isang pormal na deklarasyon sa United Nations, nakiisa sa Washington sa umiinit na iringan.

Sa isang pahayag na inihain nitong Huwebes, sinabi ng Australia na “no legal basis” sa ilang tinututulang paghahabol ng mga Chines sa dagat kabilang na ang mga may kaugnayan sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla sa maliliit na shoals atvreefs.

“Australia rejects China’s claim to ‘historic rights’ or ‘maritime rights and interests’ as established in the ‘long course of historical practice’ in the South China Sea,” nakasaad sa deklarasyon.

“There is no legal basis for China to draw straight baselines connecting the outermost points of maritime features or ‘island groups’ in the South China Sea, including around the ‘Four Sha’ or ‘continental’ or ‘outlying’ archipelagos.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang deklarasyon ay kasunod ng pagdeklara ni US Secretary of State Mike Pompeo na ang mga paghahabol ng Beijing sa teritoryo at kayamanan sa South China Sea ay ilegal, tahasang sinuportahan ang territorial claims ng mga bansa sa Southeast Asia laban sa China.

Sinasabi ng Beijing na ang halos buong South China Sea ay pag-aari nito batay sa tinatawag na nine-dash line, isang malabong delineation mula sa mga mapa noon pang 1940s.