Nakauwi na sa bansa ang 351 overseas Filipinos workers (OFWs) galing Malaysia na na-stranded sa Malaysia, nitong Biyernes ng gabi.

Ang nasabing mga manggagawa ay pinasakay sa Cebu Pacific chartered flight sa tulong ng mga opisyal ng Kuala Lumpur at Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa report ng DFA, umalis ang eroplano sa Kuala Lumpur nitong Hulyo 23 patungong Maynila.

Mahigit kalahati sa bilang ang OFWs at kanilang miyembro ng pamilya, habang ang iba naman ay mga turista at estudyante na humiling ng assistance sa Embahada ng Pilipinas matapos ma-stranded dahil sa COVID-19 outbreak at ang kanselasyon ng commercial flights.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

“Since the start of the pandemic, the Embassy and the DFA have facilitated the homecoming of 1,082 stranded Filipinos in Malaysia,” pahayag naman ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose.

-Bella Gamotea