Opisyal nang tatapusin ng UAAP ang 82nd season nito ngayong Sabado sa isang virtual closing ceremony.

Ang online event ay live na mapapanood dakong 4 p.m. sa ABS-CBN Sports’ website, Facebook atvYouTube accounts.

Bukod sa pagbibigay -diin sa galing ng mga atleta sa collegiate sports, ipapamalas din sa seremonya diwa ng pagkakapatiran ng mga kasaping paaralan sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon sa pandemya ng coronavirus .

Kikilalanin din nito ang mga eskuwelahan at atleta na nagsagawa ng charity works sa panahon ng pandemic.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Itinigil ng liga ang season noong nakaraang Abril kasunod ng mahigpit na quarantine restrictions bunga ng pandaigdigang krisis sa kalusugan na nagpuwersa sa gobyerno na ipagbawal ang pagdaraos ng pangmasang pagtitipon kabilang ang mga kaganapan sa palakasan.

Kabilang ang centerpiece volleyball sa mga naapektuhan ng kanselasyon mg season, gayundin ang football, baseball, softball, athletics, tennis at 3x3 basketball.

Sa kabila ng pinaikling season, igagawad pa rin ng liga sa University of Santo Tomas ang general championship trophy para sa kapwa high school at seniors division.

Ililipat din nito ang hosting duties mula sa Ateneo patungo sa De La Salle para sa susunod na season.

-Kristel Satumbaga