Magsasagawa ng parallel investigation ang Kongreso kaugnay ng umano’y nabunyag na anomalya sa Philippine Health Insureance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor, chairman ng House Committee on Public Accounts, isasagawa nila ang motu propio investigation kasunod na rin ng mga ibinunyag ng mga mamamahayag na umano’y anomalya sa ahensya na nagresulta sa pagbibitiw ng dalawang opisyal nito.
Tiniyak naman ni PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo, makikipagtulungan ang ahensya sa nasabing imbestigasyon.
Matatandaang nagsagawa na ng pagdinig ang Kongreso, National Bureau of Investigation at Presidential Anti-Corruption Commission sa umano’y anomaly ngunit, walang silang napigang matibay na ebidensya upang masampahan sana ng kaso ang mga nasa likod ng kontrobersya.
Sinabi rin ni Domingo na ‘cleared’ na ang PhilHealth sa kaso ng umano’y pagkawala ng P154 milyong pondo ng ahensya
-Ben Rosario