Karamihan sa mga Pinoy ay nakikitaan ng pagisiskap na labanan ang paglala ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinapubliko kahapon.

Sa SWS survey noong Hulyo 3 hanggang 6, nasa 76 porsiyento ng matatandang Pilipino ang nagsusuot ng face mask sa paglabas sa kanilang bahay; 65% ang ilang beses naghuhugas ng kamay at 59% naman ang nagpapanatili ng physical distancing.

May ilang pagbabago naman hango sa survey na isinagawa noong buwan ng Mayo kung saan nakitang 77% matatandang Pilipino ang nagsusuot ng face mask sa paglabas sa kanilang bahay; 68% ang ilang beses naghuhugas ng kamay at 64% naman ang nagpapanatili ng physical distancing.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Sa naturang phone survey ay isinalang ang 1,555 Pinoy na may edad 18 pataas sa buong bansa kung saan 306 ang mula sa National Capital Region; 451 sa Balance Luzon; 388 sa Visayas; at 410 sa Mindanao.

-Beth Camia