BEIJING/WASHINGTON (Reuters) - Sinabi ng China na ang hakbang ng U.S. na ipasara ng Houston consulate nito ngayon linggo ay labis na nakasira sa mga relasyon at nagbabala na “must” na gumanti ito, nang hindi nagdedetalyr kung ano ang gagawin.
Nitong Martes ay binigyan ng Washington ang China ng 72 oras para isarado ang consulate, na ayon dito ay “to protect American intellectual property and Americans’ private information,” isang dramatikong pagtindi ng tensiyon sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo.
Inilarawan ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin ang mga alegasyon ng U.S. na “malicious slander” at sinabi na ang “unreasonable” na hakbang ay “severely harmed” relations.
“China must make a necessary response and safeguard its legitimate rights,” aniya, tumangging tukuyin ang anumang mga hakbang.