Tinatayang aabot sa 9,000 Pinoy ang nahawaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 sa Asia Pacific at Europe, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Binanggit ng DFA, nasa 9,192 ang kabuuang Pinoy mula sa 69 bansa at rehiyon sa buong mundo ang nagpositibo sa sakit.
Kabilang na ang kumpirmadong panibagong 27 kaso nito mula sa nasabing mga bansa.
Sa nasabing bilang, aabot sa 3,167 ang patuloy pang ginagamot habang umabot na sa 5,378 na ang gumaling at nakalabas na sa mga pagamutan.
Nasa 647 Pinoy naman ang binawian ng buhay dahil sa naturang virus.
-Bella Gamotea