Hinahangad na magpinta ng mas maaliwalas na larawan ng coronavirus para sa bansa ngunit inamin na ang pandemya ay malamang na mas lulubha pa sa ngayon, nagbalik nitong Martes si President Donald Trump sa kanyang daily briefings sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso sa buong bansa.
“It will probably unfortunately get worse before it gets better,” sinabi ni Trump mula sa White House, ngunit ipinagmalaki rin niya ang pagbawas sa bilang ng mga namamatay at progreso sa mga bakuna at paggamot para sa COVID-19, na paulit-ulit na tinukoy ni Trump bilang “China virus.” Patuloy din niyang hinikayat ang mga Amerikano na magsuot ng masks kapag hindi posible ang social distancing, sinabi na, “Whether you like the mask or not, they have an impact.”
Halos tatlong buwan baho ang Election Day, umaasa si Trump na ang podium spotlight ay magbibigay sa kanya lamang laban kay Democratic rival Joe Biden.
Nagpakita siyang mag-isa sa White House, nang walang mga dalubhasa sa medisina o mga dalubhasa sa suplay ng gobyerno na dati niyang sinaligan upang ipaliwanag ang tugon ng kanyang gobyerno sa public health emergency.
“The vaccines are coming, and they’re coming a lot sooner than anybody thought possible,” muling ipinangako ni Trump promised anew