Kinumpirma ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na isang babaeng empleyado nila ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahapon.
Hindi na pinangalanan ang empleyado na 57 taong gulang. Binawian ito ng buhay kahapon ng umaga.
“The University confirms the passing of a 57-year-old female who died due to COVID-related issues this morning. She last reported in campus on July 9 and experienced flu-like symptoms on July 11. Her symptoms worsened the following week, which led to her taking a swab test and her confinement at a Manila hospital where she eventually passed away,” ayon sa pahayag ng nasabing paaralan.
Kasabay nito, kinumpirma rin ng PLM na dalawa pang empleyado nila ang nagpositibo rin sa virus at isa sa mga ito ang nakarekober na habang isa pa ang nagpapagaling sa pagamutan.
Nagpaabot d0in naman ang PLM ng pakikiramay sa pagpanaw ng kanilang kawani.
“We extend our deepest condolences to the family of the bereaved. Meanwhile, we would like to assure the PLM community that daily disinfection protocols and triage processes are in place to protect our workforce from COVID-19,” mensahe pa ni PLM President Emmanuel Leyco.
Paglilinaw naman ng PLM, walang COVID-19 transmission sa campus.
Kasabay nito, tiniyak rin naman ng PLM na nagsagawa na sila ng agaran at metikulosong contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga pasyente.
Siniguro rin nila na nag-disinfect na sila sa buong campus.
“With the employee’s passing, University officials have specifically decontaminated her work area ahead of the date of the regular sanitation and procedures,” anang PLM.
Sinabi pa nito, nagpapatupad na sila ng mahigpit na health protocols sa kanilang limitadong mga empleyado na pumapasok sa campus simula pa noong Hunyo.
-Mary Ann Santiago