Isa si GMANetwork Public Affairs documentarist Howie Severino sa COVID-19 survivors at sa paglabas niya sa ospital nitong Abril, tinanggap niya ang panawagan ng Philippine General Hospital (PGH), para mag-donate ng blood plasma para gamitin naman sa mga critically-ill patients.

howie

Nagkaroon muna siya ng mga tests para malaman kung pwede siyang maging donor ng blood plasma. Successful siyang nakapasa sa tests at masaya si Howie kung sinuman ang mga natulungan ng kanyang blood plasma.

Nitong isang araw, muling manawagan ang PGHpara sa mga pwedeng mag-donate ng kailangang blood plasma na sabi ay pwede namang gawin ng mga donors ng ilang beses, dadaan lamang sila muli sa panibagong tests. Muling nag-volunteer si Howie at nagtungo sa PGHlast Wednesday para sa required testing.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ngunit nalungkot si Howie sa resulta ng kanyang tests dahil hindi na siya pwede muling mag-donate ng blood plasma.

“Lumabas sa mga tests ko na hindi na ako pwedeng mag-donate ng blood plasma ko,” paliwanag ni Howie sa 24 Oras. “Natuklasan na nabawasan na ang mga anti-bodies ko na panglaban sa virus. At ang natitirang anti-bodies ko ay sapat na lamang para labanan ko ang mga virus.”

-NORA V. CALDERON