KYIV (Reuters) - Ang lahat ng 13 katao na hinostage sa isang bus sa kanlurang Ukraine ay pinalaya nang hindi nasugatan nitong Martes matapos makipag-usap si President Volodymyr Zelenskiy sa telepono san hostage-taker at sumang-ayon sa kanyang kahilingan na irekomenda ang isang 2005 animal rights documentary.
Inaresto ng pulisya ang suspek, na kinilala ng state security service (SBU) bilang ang 44-anyos na si Maksym Kryvosh, na sumakay sa bus sa lungsod ng Lutsk, na armado ng mga baril at mga pampasabog.
Sinabi ng pulisya na nagbanta si Kryvosh na pasabugin ang bus at i-detonate ang isa pang bomba sa isang mataong lugar sa lungsod.
Para mapalaya ang hostages, nakipag-usap si Zelenskiy kay Kryvosh ng 10 minuto at pumayag sa isa mga hiling nito na i-promote ang documentary na “Earthlings,” na isinasalaysay ng Hollywood actor na si Joaquin Phoenix.
“We agreed that he would release three people and after that I will record a video,” ani Zelenskiy