Iniulat ng Taguig City government na nasa 506 pasyente ng coronavirus disease 2019 ang naitalang gumaling sa dalawang lugar sa lungsod na isinailalim sa localized quarantine.
Sa inilabas na pahayag ng pamahalaang lungsod, wala ring kaso ng namatay bagamat nananatiling epektibo ang localized quarantine sa mga nasabing lugar hanggang madeklara na clear na ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU).
Binanggit ng city government, ang 100% recovery rate na kasama sa mga kaso ay nagmula sa BGC construction site (394 cases at recoveries) sa Bgy. Fort Bonifacio at Dalampasigan Area sa Purok 5 at Mauling Creek, I. Reyes at Bgy. Street sa Purok 6 (112 cases at recoveries) sa Bgy. Lower Bicutan na patunay na naging epektibo ang implementasyon ng localized quarantine sa nasabing lugar.
-Bella Gamotea