MATINDI na rin ang panawagan ng cockfighting nation para maibalik ang sabong batay sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocol.
Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, humingi na nang ayuda ang International Federation of Gamefowl Breeders Association, Inc. (FIGBA) upang iapela sa Inter-Agency Task Force ang kanilang panawagan “to allow the resumpion of derbies,with strict implementation of health protocols approved by them.”
Sa sulat ni FIGBA president Ricardo Palmares, Jr. sa GAB na may petsang Hulyo 13, sinabi ng 38-strong member association na binubuo ng 6,285 individual breeders at sabong stakeholders lugmok na ang industriya dulot ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
“Once we are allowed to resume our derbies even with very limited capacity, we would be able to sustain the livelihood of thousands of Filipino families that are dependent on our industry for their survival,” pahayag ni Palmares sa kanyang sulat kay Mitra.
Sinusugan ng pamosong breeder na si Rep. EddieBong Plaza ng Agusan del Sur ang panawagan ng grupo dahil sa maraming pamilya ang nakadepende sa sabong.
“Nananawagan po kami sa ating mga kaibigan sa IATF-TWG na muling tignan ang ating cockfighting industry,” pahayag ni Plaza sa panayam ng Thunderbird Sabong Nation program.
“Cockfighting industry may not be as big as the other industries, like the tourism. Pero kasama din po kami sa ekonomiya. Nasasaktan na din po ang madami sa amin kaya umaapela kami. Sana mapag-bigyan din kami,” aniya.
“Sa Mindanao, desperado na po ang ating mga backyard breeders, pati na ang ibang mga kasama sa industriya. Naibebenta na nila sa mababang halaga ang kanilang mga alagang manok para masustinahan ang kabuhayan.”
Iginiit naman ni Mitra na nakikisimpatiya siya sa panawagan ng cockfighting stakeholders, ngunit nakiusap siya na habaan pa ang pasensiya habang patuloy pa ang paglaban ng pamahalaan para maabatan ang pandemic.
“As I know, more than a million people depend on cockfighting as their means of livelihood. Yun iba sa sabungan na nga nakatira. There are also more than 30,000 registered breeders. Sa Digmaan, 6,000-7,000 na. Sa FIGBA, 7,000- 9,000. Sa WPC, 12,000-16,000. Iba pa yun mga backyard breeders,” ayon kay Mitra.
-Edwin Rollon