NANATILING aktibo ang sports facility ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang quarantine site sa mga pasyente na pinaghihinalaan na may COVID-19.

fernandez

Ayon sa datos na ipinamahagi ni PSC Officer-In-Charge Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, may kabuuang 93 pasyente na binubuo ng 7 lalaki at 86 babae ang nakalagak ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, kabilang ang bagong 39 na pasyente.

May nalalabi pang 19 sa kabuuang 112 bed cubicle ang bakante para mapaglagyan ng mga pasyente.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Sa karatig na Rizal Memorial Coliseum, kabuuang 30 (Male - 21 Female - 9) ang nakalagak kabilang ang 20 bagong dating na pasyente.

Mas maliit man sa bilang na 97 cubicle ang RMSC, mas maraming available na kama pa (67) ang puwedeng magamit dito. Kapwa matatagpuan ang dalawang pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

“Continued naman ang inter-action natin sa DOH at sa IATF gayundin sa mga LGU’s para ma-accommodate natin yung mga kababayan natin na kailangang i-quarantine,” pahayag ni Fernandez.

Sa Philsports sa Pasig City kung saan nakahimpil ang mga opisyal ng PSC kabilang na si Fernandez, may apat na bagong pasyente na naidagdag para sa kabuuang 107 (Male - 75 Female - 32).

May 25 pang kuwarto ang bakante sa kabuuang 132 na itinayo ng IATF dito.

-Annie Abad