Tinanggihan ni Gen. Archie Francisco Gamboa, hepe ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpatupad na mala- Martial Law na diskarte sa kampanya upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Ang panukala ni DILG Undersecretary Martin Diño ng isang kampanya ng kahihiyan laban sa mga lumalabag sa mga quarantine ay hindi rin nagustihan ni Gamboa, na nagpahiwatig na paglabag ito sa umiiral na batas lalo na sa privacy.
“The PNP, on our part, would not do such things because we always operate in accordance with the law,” sinabi ni Gamboa, na isang abogado.
Nitong nakaraang linggo, sinipi si Diño na nagsusulong ng shame campaign sa mga lumalabag sa quarantine dahil sa pagtaas ng bilang ng mga impeksyon sa coronavirus sa bansa. Kalaunan ay nilinaw niya ang kanyang pahayag at sinabing siya ay misquoted lamang
Sinabi ni Gamboa na ang panukalang mala-Martial Law na pagpapakita ng puwersa ng pulisya at militar sa kampanya ng gobyerno laban sa COVID- 19 ay salungat din sa patakaran ng PNP sa pakikitungo sa mga sibilyan.
“We really do not want to be again linked in Martial Law-type et cetera. In the PNP, we have always practiced maximum tolerance but of course we will always implement the law,” ani Gamboa.
-Aaron B. Recuenco