CHICAGO/PARIS (Reuters, AFP)- Ang maagang data mula sa mga pagsubok ng tatlong potensyal na bakuna ng COVID-19 na inilabas nitong Lunes, kasama ang isang closely-watched candidate mula sa Oxford University, ay nagdagdag ng pagtitiwala na ang isang bakuna ay kayang sanayin ang immune system upang makilala at labanan ang novel coronavirus ng walang mga seryosong side effects.

PAG-ASA Ang mga pag-aaral, inilathala sa The Lancet medical journal, bumubuo ng isang malaking hakbang patungo sa isang bakuna ng COVID-19 na epektibo at ligtas para sa malawakang paggamit. (AFP)

PAG-ASA Ang mga pag-aaral, inilathala sa The Lancet medical journal, bumubuo ng isang malaking hakbang patungo sa isang bakuna ng
COVID-19 na epektibo at ligtas para sa malawakang paggamit. (AFP)

Ang bakuna na dinebelop ng British drugmaker na si AstraZeneca katuwang ang Oxford University, ay nag-impluwensya ng isang immune response sa lahat ng mga kalahok sa pag-aaral na nakatanggap ng dalawang dosis nang walang nakababahala na mga epekto.

“The immune system has two ways of finding and attacking pathogens -- antibody and T cell responses,” sinabi ni Andrew Pollard, member ng Oxford team.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“This vaccine is intended to induce both, so it can attack the virus when it’s circulating in the body, as well as attacking infected cells.”

Sinabi naman ng co-author na si Sarah Gilbert mula sa University of Oxford na ang mga resulta “hold promise”.

“If our vaccine is effective, it is a promising option as these types of vaccine can be manufactured at large scale.”

Ang coronavirus vaccine naman sa binibuo ng CanSinoBiologics Inc at ng China military research unit, ay nagpakita din na lumilitaw na ito ay ligtas at hinihimok ang immune respnse sa karamihan ng 508 malulusog na boluntaryo na tumanggap ng isang dosis ng bakuna, iniulat ng mga mananaliksik.

Ang ilan sa 77% ng mga boluntaryo sa pag-aaral ay nakaranas ng mga side effects tulad ng lagnat o pananakit sa tinurulan ng iniksyon, ngunit wala namang itinuturing na seryoso.

Kapwa ang mga bakuna ng AstraZeneca at CanSino ay gumamit ng hindi mapinsalang cold virus na kilala bilang adenovirus para magdala ng genetic material mula sa novel coronavirus sa katawan. Ang mga pag-aaralnsa dalawang bakuna ay inilathala sa journal na The Lancet.

Sa kabuuan, ang mga resulta ng dalawang trials ay “broadly similar and promising,” isinulat nina Naor Bar-Zeev at William Moss, dalaang vaccine experts mula sa Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health, sa komentaryo sa The Lancet.

Samantala ang German biotech na BioNTech at U.S. drugmaker na Pfizer Inc ay inilabas ang mga detalye mula sa isang maliit na pag-aaral sa Germany ng isang naiibang uri ng bakuna na gumagamit ng ribonucleic acid (RNA) - isa chemical messenger na naglalaman ng instructions para sa paggawa ng proteins.

Ang bakuna ay nagtuturo sa mga cell na gumawa ng mga protina na gayahin ang panlabas na ibabaw ng coronavirus. Kinikilala ng katawan ang mga ganitong protina na tulad ng mga virus bilang dayuhang mananakop at pagkatapos ay nagpapakawala ng immune response laban sa aktwal na virus.