INILABAS nitong Biyernes ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado ang Budget Circular 2020-4, na nagtaas sa pay of entry-level ng mga nurses mula sa Salary Grade (SG)-11 hanggang SC-15 --- mula P22,315-P24,391 patungong P32,053-P34,801 kada buwan.
May bisa ang sirkular mula noong Enero 1, 2020. Sakop nito ang lahat ng regular, casual o kontraktuwal na mga nurses, full-time man o part-time, pambansa man o lokal na ahensiya –ngunit hindi sa mga ahensiya na may sariling sistema ng pagbabayad.
Lumabas ito isang araw matapos magpahayag ang mga nurse ng San Lazaro Hospital, mga miyembro ng Filipino Nurses United, ng kanilang hinaing hinggil sa kaligtasan at kawalan ng hazard pay, kasama ang iba pang isyu. Sinimulan ng mga nurse ang kanilang tahimik na protesta nitong nakaraang Huwebes, Hulyo 16, sa pag-iiwan ng kanilang mga sapatos sa labas ng gusali at maglabas ng pahayag na sila ay overworked at hindi protektado sa COVID-19.
Kabilang sa kanilang hinaing ang kakulangan ng staff, kulang na personal at protective equipment at suporta para sa transportasyon at akomodasyon, kasama pa ang “unacceptable salary and unreasonable implementation of hazard pay.”
Kasabay ng mga sapatos na iniwan ng San Lazaro nurses sa labas ng gusali bilang protesta, ang pahayag ang Filipino Nurses United sa Twitter ng: “Hihintayin pa ba nating walang magsusuot ng mga sapatos na ito?”
Sinabi ng San Lazaro management na ito ay reklamo sa sahod at benepisyo, na nakabase sa salary scales na bahagi ng batas para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Sinabi ng DBM ang bagong sirkular para sa sahod ng mga nurse ay isang pagtugon sa RA 9173, ang Philippine Nursing Act of 2002, na ilan taon nang naantala ang implementasyon sa isang kaso-- “Ang NARS Party-list vs. The Executive Secretary.” Disyembre 21, 2019 nang mailabas ang desisyon, kung saan kinatigan ng Korte Suprema ang probisyon para sa sahod ng mga nurse sa ilalim ng Section 32 ng RA 9173.
Sa huli, isa itong magandang bagay para sa mga nurse ng bansa. Naglabas na ng hinaing ang mga nurse ng San Lazaro Hospital, ang espesyal na ospital para sa mga nakahahawang sakit, hinggil sa kanilang mahirap na kondisyon at mababang sahod. At nagawang matugunan naman ito ng Department of Budget and Management, dahil pumabor na ang Korte Suprema sa batas na pinagtibay noong 2002 para sa pagtaas ng sahod ng mga nurse.