TINANGGAP ng Games and Amusement Board (GAB) ang paumanhin ng pamunuan ng PBA team Blackwater Elite hingil sa pagmarkulyo sa naging aksiyon ng liga at ng government regulating body sa ginawang ensayo ng koponan na tahasang paglabag sa ‘health protocol’ na siyang prioridad sa kautusan ng Inter- Agency Task Force sa pagpayag sa unti-unting pagbabalik ng PBA at Philippine Football League (PFL).

 NATULOY ang pagpupulong ng GAB at Blackwater Elite.


NATULOY ang pagpupulong ng GAB at Blackwater Elite.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, nakipagpulong siya kasama si Commissioner Ed Trinidad sa pamunuan ng Blackwater nitong Lunes at mapagpakumbaba ang paghingi ng paumanhin ni team owner Dioceldo Sy sa kanyang naging aksiyon nang masita ang naganap umano na pagsasanay ng Elite sa isang pribadong gymnasium na naipalabas sa social media.

“Nadala lang daw siya (Sy) sa kanyang damdamin dahil parang nahusgahan agad sila sa social media,” pahayag ni Mitra.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Kasama ni Sy sa pakikipagpulong sina alternate governor Ariel Vanguardia, team manager Jacob Munez, at consultant Oliver Gan. Ipinakita ng grupo ang video clip ng panayam sa koponan at ang naipalabas umano na video ng pagsasanay ay isang old video ng koponan.

Ikinatuwa naman ni Mitra ang naging pahayag ni Sy, gayundin ang pagpapakumbaba nito sa kanyang naging aksiyon kung saan natuligsa niya ang pamunuan ng GAB at PBA na naging daan din sa kanyang babala na ibebenta ang prangkisa ng koponan.

Ngunit, kagyat na nilinaw ni Mitra sa grupo ni Sy na bilang isang collegial body, ang pagpapatawad o pagbibigay ng sanctioned ng GAB ay nakabatay sa desisyon ng Board.

“Commissioner Edward Trinidad and I have met with Mr. Sy. We have accepted their apology but the Board needs to study further their reply to our letter if we will sanction or fine them as Commissioner Mar Masanguid is still in Davao. They promised to adhere to all the rules and safety standards as well as the directives of the IATF and GAB,” pahayag ni Mitra.

“We have also asked them to wait for the IATF resolution and GAB-PSC-DOH Joint Administrative Order before any practice so as not to jeopardize our efforts to resume leagues practice.

“A stern warning maybe issued by GAB to Blackwarer to refrain from any practice in the meantime that the order has not yet come out. This was the same statement that GAB made to the Philippine Football League,” sambit ni Mitra.

Sa kabila ng ebidensiyang ipinakita ng grupo ni Sy, sinabi ni Mitra na ang naging desisyon ng Blackwater management na magsagawa ng ‘light workout’ ay tahasang paglabag sa kautusan ng ITAF batay sa panuntunan ng Joint Administrative Order (JAO) n a isinumite ng GAB at Philippine Sports Commission, sa tulong ng Department of Health (DOH).

Pinayagan lamang ng IATF ang pagbabalik ensayo ng PBA at PFL sa limitadong bilang na limang tao sa isang partikular na lugar at batay sa kasalukuyang community quarantine na ipinapatupad.

Kaagad na nagpataw ng multa ang PBA na P100,000.00 sa Blackwater at ipinag-utos na isailalamin sa COVID-19 swab test at mandatory seven-day quarantine ang lahat ng player nito.

-Edwin G. Rollon