Sinisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa idaraos na 2022 presidential elections sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na naghahanap sila ng mga volunteer na tutulong sa isinasagawa nilang preparasyon para sa nalalapit na eleksyon.
“The Comelec is getting ready for the 2022 elections! If you’re eager for a learning experience that will give you an inside look at the nuts and bolts of preparing the country for the Presidential Elections- this is your chance. Volunteer now!” ani Jimenez sa kanyang Twitter account.
Nabatid na work-from-home ang magiging sistema para sa mga volunteer, na magsisilbi bilang social media associate, writer at graphic artist.
Ayon sa Comelec, ang mga interesado para sa naturang oportunidad ay maaaring mag-iwan ng kanilang impormasyon sa alinmang social media channels ng poll body.
“Make sure to include your contact information so we can get in touch,” anang Comelec
-Mary Ann Santiago