HINDI lamang mga kampeon at individual awardees ng mga first semester sports ang bibigyan ng kaukulang pagkilala at rekognisyon ng UAAP sa isasagawa nilang online closing ceremony para sa nahintong Season 82 sa darating na Hulyo 25.

Napagpasiyahan ng UAAP na magsagawa ng closing ceremonies para sa naputol nilang season dulot ng patuloy pa ring kinakaharap ng bansa at ng buong daigdig na COVID-19 pandemic.

Bukod sa mga first semester champions at awardees, gagawaran din ng kaukulang rekognisyon ang mga student-athletes sa mga natigil at hindi naidaos na second semester sports partikular ang mga super seniors.

Ipapalabas ang programa sa ABS-CBN Sports' online platforms. Ang pangyayaring ito ay ikinatuwa naman ng mga atleta.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Sobrang saya kasi, isipin mo, yung buong taon na pinaghirapan mo, may kapalit pa rin kahit ganito ang nangyari," pahayag ni Ricky Marcos, graduating libero ng 2-time men's volleyball defending champion National University sa panayam dito sa The Prospects Pod noong nakaraang Biyernes. "Nagpapasalamat kami."

"I'm happy the UAAP decided to do this because it shows their support for the seniors who dedicated five years to play the sport they love," ayon naman kay Diego Lozano, first baseman ng reigning baseball champion De La Salle.

"This also shows appreciation of the fact that living the student-athlete life is not easy because you have to have so many sacrifices."

Para naman kay University of the Philippines booter Miggy Clarino,ang kanilang tatanggaping rekognisyon bagamat hindi dahil nagwagi sila ng titulo ay maituturing namang halos katumbas na nito.  Marivic Awitan