NAKATAKDANG ilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ngayong Lune sang Laging Handa Unified Website sa beta version, na magsasama-sama ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang sources, upang makapagbigay sa publiko ng mas madaling pag-access sa mga impormasyon.

Bumuo ang partner developer na Dashboard Philippines ng isang Content Management System (CMS) at administrative interface para sa unified website, na powered ng Philippine Information Agency (PIA), para sa mas madali at maayos na paggamit.

Siniguro naman ng DICT ang seguridad at privacy ng website laban sa internal at external nab anta.

Mula sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force Technical Working Group for Anticipatory and Forward Planning, ang Laging Handa Unified Website ang magiging official platform para sa lahat ng may kaugnayan sa COVID-19.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Makikita sa website ang 4Ks: ang Kalusugan, Kabuhayan, Kaayusan, Kinabukasan – na nagpapaliwanag sa hakbang at aksiyon na ginagawa ng pamahalaan upang malabanan ang pandemya.

Magiging gabay din ito sa publiko upang makuha ang kanilang mga impormasyong kailangan base sa 4Ks.

Ang “Kalusugan” ay nagbibigay ng epidemiological data ng COVID-19 cases, COVID-19 case maps, advisories at issuances mula sa Department of Health.

Laman ng “Kabuhayan” ang mga direktang links sa iba pang programa ng pamahalaan na may kinalaman sa trabaho, cash assistance, at iba pang abiso na may kinalaman sa ekonomiya.

Nagbibigay naman ang “Kaayusan” ng praktikal na impormasyon para interzonal at intrazonal guidelines, timeline ng government policies and actions, at ang #DismissDisinformation, na nagtatakwil sa mga ulat at iba pang uri ng maling impormasyon na nakaaapekto sa kabuuang pagtugon sa COVID-19.

Habang ang “Kinabukasan” ay naglalaman ng listahan ng mga proyekto ng pamahalaan na naglalayong makatulong na makaahon muli ang bansa.

Binigyang-diin naman ni PIA Director-General Ramon L. Cualoping III ang halaga ng nagkakaisang mensahe at komunikasyon tulad ng Laging Handa.

“The Laging Handa Unified Website will provide accurate information in the time of Covid-19. This will fight fake news and disinformation that only foster panic in people,” Cualoping said. “This is in line with our mandate as government communicators. We will Explain, Explain, Explain, until we kill the virus called fake news.”

PNA