Tiniyak na itataas ang suweldo ng mga nurse na nais magtrabaho sa gobyerno kasunod nang pagkumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na may mga pondong inilaan para sa mga ito sa loob ng halos dalawang dekada.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson na nagsulong sa Senado para maisama ang pondo sa 2020 national budget, ang dagdag suweldo para sa government nurses ay magsisilbing dagdag-pamadyak ng mga ito ngayong panahon ng pandemya sa COVID-19.
“Definitely, no amount is enough to show our appreciation for the sacrifices and hard work of our nurses, especially those in the frontlines. Still, this pay increase - which was sought even before the COVID pandemic hit - will be a big help to them in one way or another,” pahayag ni Lacson.
Anniya, ang panahon ng pandemya ay nangangailangan ng dagdag na paghuhugutan ng lakas ng mga frontliners gaya ng mga nurse, kung kaya’t ang naturang umento ay magsisilbi na ring permanenteng ayuda sa mga ito.
Nitong Hulyo 17, inilabas ng DBM ang Circular 2020-4 na naglalayong itaas sa Salary Grade 15 mula sa Salary Grade 11 ang entry-level na suweldo ng mga government nurse.
-Leonel Abasola