PINOST ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram (IG) account ang photo at ang sagot ni Jennylyn Mercado sa isang netizen na sinabihan siya (Jennylyn) na mag-move on na sa ABS-CBN issue na hindi sinang-ayunan ni Jennylyn.

sharon

Nagpasalamat si Sharon kay Jennylyn at ni-like ng Kapamilya stars ang post ni Sharon, pati na ng Kapuso stars.

Post ni Sharon: “ Salamat, Ms. Jennylyn Mercado. @mercadojenny Mabuti ka pa at ibang mga Kapuso, nakikiramay sa lungkot at pagluluksa naming mga Kapamilya. Sa industriyang ito, iisang pamilya at puso lang naman meron tayong lahat. Salamat sa pakikiisa mo, ninyo sa amin. Sana lahat katulad mo at ng iba pang Kapusong nalulungkot at dumadamay sa amin. Masakit yung nadapa na, tinatadyakan pa ng iba. Nakakakilabot yung nakita pa naming nagdidiwang at nagsasaya noong hindi binigya ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. Kinatutuwaan ba ang sakit ng wala namang masamang ginawa sayo? Hindi biro ang tanggalan ng hanapbuhay ang 11,000 na tao- dahil sa bawat isa sa 11,000 na yan, may ilang miyembro pa ng pamilyang nadamay ang buhay sa pagkawala ng trabaho ng isa. God bless you and all of you Filipinos who grieve with us. Para kaming yung mga inatakeng bigla sa Pear Harbor nung WW2. Sa loob ng 2 buwan, bigla na lang “binomba” ang bahay namin at sa pagtanggal sa trabaho ng marami-ngayon pa- sa gitna ng krisis at pandemya-paghahanapin ninyo ng ibang trabaho-parang halos pinatay niyo na rin ang kabuhayan ng napakaraming pamilya.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Puso, pagkakaisa, pagtutulungan, ay ang pinagmamalaki niyong bayanihan na nasa dugo na talaga nating mga PINOY ang dapat inuna, at ang tamang pagmamanage ng COVID-19 habang wala pang vaccine ito. Hindi yung kung ano-ano ang inuuna. Hindi naman prioridad ngayon kung dapat ba palitan ang pangalan ng NAIA o hindi. Doon na muna tayo sa totoo at mahalaga. Nasunog nyo na ang tahanan namin. Tama na muna ang pag-iisip ng kung ano o sino pa ang puedeng gamiting pantakip ng tunay na dapat sinosolusyunan ngayon. HINDI TAYO NANANALO AGAINST COVID-19. Nakakatawa tuwing pinipilit ng iba. Tapos babawiin. Kasi hindi nagsisinungaling ang datos at numero ng mga dumadami pang kaso. Please po, BAYAN MUNA. PANGINOON MUNA KASI ANG SAMBAHIN AT DASALAN NANG KAAWAAN TAYO. Fod bless us all. Mahal ka namin, @mercadojenny!!!”

Samantala, tinawag ni Sharon na “The Brave 11” ang mga Kongresista na bumoto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Paalala nito, huwag kalimutan ang mga pangalan ng 11 na matatapang na mga Kongresista.

-Nitz Miralles