LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Kakaiba sa nakasanayan ang pagbabalik aksiyon ng NBA mula sa pagkaantala bunsod ng COVID-19 pandemic.
Pinaiksi ng NBA sa 10-minute kada quarters mula sa dating 12 minuto upang hindi mabigla ang mga players na halos tatlong bvuwang natigil bunsod ng pandemic. Kinonsidera rin ang kakulangan sa players ng mga koponan na sasabak sa Walt Disney World.
Ngunit, ang pagbababo ay gagamitin lamang sa simula ng exhibition game ng bawat koponan. Ibabalik ang dating regulasyon sa ikalawa at ikatlong exhibition game. Bawat koponan ay bibigyan ng tig-tatlong exhibition match.
“This is a different situation,” pahayag ni Dallas coach Rick Carlisle nitong Sabado (Linggo sa Manila). “In all areas, really. ... I do think that there’s some latitude to do some different things.”
Magsisimula ang exhibitions na may apat na laro sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) at tatagal hanggang Hulyo 28. Bahagi ng plano na maipalabas ang 33 exhibitions sa local TV, national TV, NBA TV o NBA League Pass.
“I believe that it’s done just trying to get safety first for the players,” pahayag ni Orlando coach Steve Clifford. “I think most teams are like us, where everybody is just feeling their way and guys aren’t in the type of condition they would normally be in in a training camp situation.”
Ang iba pang pagbabago para sa exhibition games ay ang paggamit ng higit sa tatlong referee.
“I don’t know about that yet,” sambit ni Oklahoma City guard Chris Paul, pangulo ng National Basketball Players Association. “So, I’ll find out.”