Inaasahang makararanas ng power interruption sa linggong ito ang ilang lugar sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan, kasunod na rin ng mga pagkukumpuni na isasagawa ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga pasilidad.

Sa paabisong inilabas ng Meralco, ang maintenance works sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan ay sisimulang isagawa ngayong Lunes at magtatagal hanggang sa susunod na araw ng Linggo, Hulyo 26.

Nitong Hulyo 20, inaasahang apektado ang Fort Bonifacio, Taguig City dahil sa instalasyon ng mga pasilidad sa 8th Ave. corner 35th St. sa Bonifacio Global City (BGC); gayundin ang Meycauayan, Bulacan dahil sa relokasyon ng mga pasilidad, line conversion works at instalasyon ng mga poste sa Paliwas Road sa Brgy. Ubihan.

Samantala, sa Hulyo 21 naman, apektado ang Biñan City sa Laguna dahil sa relocation of facilities sa Laguna Bel-Air Subd. Phase 3 sa Brgy. Loma habang sa Hulyo 21 hanggang Hulyo 22 naman ay apektado ang Sta. Rosa City sa Laguna dahil sa paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Sta. Rosa – Tagaytay City National Road sa Brgy. Balibago.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon sa Meralco, sa Hulyo 22 naman papalitan ang nasunog na poste sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway sa Brgy. San Agustin II, Dasmariñas City, Cavite habang may nakatakda ring line reconstruction works sa Payatas Road (Litex) sa Brgy. Payatas, Quezon City sa nasabing petsa.

Mayroon namang line reconstruction works at instalasyon ng mga bagong primary line switch sa Nueva Ecija St. sa Brgy. Bago Bantay, Quezon City sa Hulyo 22 hanggang Hulyo 23.

Sa Hulyo 23 naman, inaasahang makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang mga lugar ng Valenzuela City dahil sa line reconstruction works sa Maya St., Brgy. Ugong; Calamba City sa Laguna, dahil sa pag-upgrade ng mga pasilidad at line reconductoring works sa C. A. Yulo Ave. sa Brgy. Canlubang at Ugong Norte, sa Quezon City dahil sa line reconductoring works sa White Plains Ave., sa pagitan ng EDSA at Katipunan Avenue.

Sa Hulyo 23 hanggang Hulyo 24 ay nakatakdang magsagawa ang Meralco ng relokasyon ng mga pasilidad at line reconductoring works sa Cecilio Santos St. sa Brgy. Pinagkamaligan, Tanay, Rizal Province habang may replacement of facilities sa Quirino Ave. sa Bgys. Don Galo at Tambo sa Parañaque City.

Magsasagawa naman ang Meralco ng replacement of poles at reconductoring works sa Sanciangco St. sa Brgy. Catmon, Malabon City sa Hulyo 24 habang mayroon namang replacement of crossarms sa lob ng Carmelray Industrial Park 1 sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna sa nasabi ring petsa.

Samantala, sa Hulyo 25 naman, apektado ng power interruption ang Tanza, Cavite dahil sa line conversion works at replacement of poles sa Bucal Road; Tondo, Manila dahil sa replacement of rotten poles, relocation of facilities at line reconductoring works sa Zaragosa St., Radial Road 10, Isla Puting Bato at Marcos Roads at Lingunan, Valenzuela City dahil sa reconductoring of primary lines sa M. Francisco St..

Sa Hulyo 26, apektado naman ang Quezon City dahil sa line reconductoring works, installation of additional lightning protection devices at replacement of pole sa Mayon St. sa Bgys. San Isidro Labrador at Lourdes; line reconstruction at line reconductoring works sa EDSA, na sakop ng Bgys. Socorro at Bagong Lipunan ng Crame; at replacement of poles, installation of facilities at line reconductoring works sa Congressional Ave. sa Bgy. Bahay Toro.

-MARY ANN SANTIAGO