JAKARTA (Reuters) – Nalampasan na ng Indonesia ang bilang ng kaso sa China, para maging bansa na may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus sa East Asia na may 84, 882 infections habang pinangangambahang mas tataas pa ang infection rate dahil sa mga undetected cases.
Sa datos ng COVID-19 task force ng Indonesia, nakapagtala ang bansa ng 1,752 bagong kaso nitong Sabado at 58 na pagkamatay, dagdag sa kabuuang 4,106 death toll.
Ang China, kung saan unang naitala ang kaso ng coronavirus noong nakaraang taon, ay may 83,644 na kaso hanggang nitong Biyernes, na may 4,634 deaths.
“There are possibility of undetected positive cases without symptoms,” pahayag ni task force spokesman Achmad Yurianto, na nagsabing prayoridad ngayon ng grupo ang contact tracing.
Una nang binatikos ng mga epidemiologist ang pamahalaan sa pagpapatupad nito ng maluwag na restriksyon kumpara sa mga kalapit nitong bansa upang makontrol ang pandemic at ang limitadong sakop ng testing.
Niluwagan na rin nitong Hunyo ang ilang restriksyon sa bansa kahit pa patuloy pa ring tumataas ang naitatalang kaso, upang buhayin ang economic activity ng bansa