Aprub na sa Department of Science and Technology–Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) ang hakbang na pagtutuunan na nang todo ang evaluation at validation ng rapid antibody tests para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa weekly Facebook report ni DOST Secretary Fortunato de la Peña, ipinaliwanag nito na pag-aaralan dito ang rapid antibody tests na sa loob ng 14 araw at convalescent ng higit sa 14 days phases ng sakit mula sa mga Pinoy na suspected carrier ng virus.
Sa pamamagitan ng P19.137 milyong pondo, ang proyekto ay isasagawa ng siyam na buwan pero nilinaw nito na maaari na ring makuha ang resulta sa loob ng tatlong buwan.
Beth Camia