Nagbabadyang magpatupad ng dagdag-bawas sa protuktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis,p osibleng tumaas ng 10 hanggang 20 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene kasabay ng pagbaba naman ng 20 hanggang 40 sentimos sa presyo ng gasolina habang walang paggalaw o bumaba ng limang sentimos ang presyo ng diesel.

Ang napipintong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Hulyo 14, huling nagtaas ang mga kumpanya ng P0.65 sa gasolina, P0.40 sa kerosene at P0.30 naman sa diesel.

'Bantayan seguridad!' Giit ni Roque, VP Sara, dapat mag-ingat dahil sa kaniyang Presidential bid

-Bella Gamotea